Miyerkules, Enero 23, 2013

HINDI KA NAGIISA..

Ang buhay ay sadyang maikli. Hindi mo alam kung anong mangyayari bukas. Hindi mo hawak ang oras. Ang tanging magagawa mo lang ay kumilos ng nasa ayon. I mean, go with the flow. Live your life to the fullest! Reach for your dreams. Pero bago mo magawa lahat ng yan, alam kong may ibang bagay ang humahadlang. Pero teka, reminder lang kaibigan, buhay mo yan. Kung patuloy kang magpapa-apekto sa mga bagay na makakasira sa pag-abot mo ng mga pangarap at gusto mong gawin, walang mangyayari sa buhay mo.

Alam kong hindi pa ko katandaan para magbigay ng payo tungkol sa buhay. Tanong ulit, nasusukat ba sa edad ang pagkakaroon ng opinyon tungkol sa buhay? Parang hindi naman. No one can stop me from this.

Tulad niyo, marami rin akong gustong gawin. Marami akong pangarap. Marami akong gustong puntahan at gustong makasama. Isa lang ang alam ko, lahat yan kaya kong gawin. Lahat yan darating sa buhay ko sa tamang oras at panahon. Ang hindi ko lang alam, hanggang kailan ako makikipagsapalaran sa mundong ito. Hindi ko rin alam kung anong pwedeng mangyari pag gising ko sa mga susunod pang araw.

Ang buhay ay may hangganan. Everything is temporary. Pinahiram lang ito ng Diyos sa atin kaya gawin natin kung anong nararapat. Abutin natin ang ating mga pangarap. Wag magpatalo sa lungkot. Mas lalong iikli ang buhay mo kung hahayaan mong lamunin ka ng stress. Always think of the bright side. Wag tayo masyadong negative mag-isip. Kung may problema ka, masosolusyonan mo yan. Sabi nga ng matatanda, hindi ka bibigyan ng problema na hindi mo kayang malampasan. Pagsubok yan. Diyan masusukat kung gano kalakas ang tiwala natin sa Taas at tiwala natin sa ating mga sarili.

Nakakalungkot lang isipin na minsan, kahit gaano ka pa ka-positibo mag-isip at ka-determinado magtrabaho para maabot mo ang pangarap mo, may mga nangyayari sa ating buhay na hindi inaasahan. Sa gulo ng mundo ngayon at sa bilang ng mga masasamang tao, hindi mo alam kung may bukas pang naghihintay sayo. Pwedeng sa isang iglap lang mapupunta sa wala lahat ng pinagpaguran mo. Isang pikit mo lang nawala na lahat ng nasa iyo. Masakit diba? Lalo na yung mga taong walang hinangad kundi ang kabutihan para sa pamilya at sa kapwa.

Cherish every single minute in your life. You’ll never know when the time is up. Gawin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo. Sabihin mo sa mga taong mahal mo kung gano sila kahalaga sa buhay mo. Lahat gawin mo habang may oras ka pa. Mahirap dumating sa puntong pinagsisihan mong hindi mo nasabi sa tao na mahalaga sya sayo at naging magkakilala kayo at magkaibigan. Nasa huli ang pagsisisi. Habang may oras pa, kumilos ka na. Lahat ng nangyayari sa paligid mo ay may dahilan. Maganda man o hindi ang dulot nito, ngiti ka lang kaibigan. Hindi ka nag-iisa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento