Biyernes, Enero 25, 2013

MAma.

Mula sinapupunan siyam na buwan mo kaming inalagaan, hanggang kami'y iyong ipinanganak. Sanggol pa lang kami halos ayaw mo kami makagat ng kahit anong insekto, mula ng Nagkaisip, nag-aral nandiyan ka sa tabi namin.


Ginawa mo ang la
hat ng bagay para kami'y mabuhay ng maayos at lumaki ng may takot sa diyos. Inaruga mo kami ng higit pa sa buhay mo, ayaw mo kami masasaktan o magugutom man lang. kinakaya mo lahat ng bagay para sa amin, tinalikuran mo ang lahat ng marangyang bagay para sa amin, hindi ka sumuko sa lahat ng pagsubok na dumating sayo, kapag nahihirapan ka ay umiiyak kana lamang at nagdarasal ka.

kahit kailan hindi ka naging maramot sa amin. kahit wala ka na basta maibigay mo lahat para sa amin, iniisip mo lagi ay mga bagay na makakapag pasaya sa amin, wala akong narinig sayo na kahit anong hinaing na kahit alam ko at nararamdaman ko ang hirap na iyong nararanasan.

Para sa amin ikaw ay isang ulirang ina, matatag, may paninindigan at may takot sa diyos.

Napakabait mo, kahit simpleng bagay na binibigay ko at ginagawa ko para sayo ay pinasasalamatan mo ng buong puso mo. Kahit ilang beses na paulit ulit kaming nagkakamali ay nandiyan ka pa rin para sa amin, inaaruga at binibigyan ng importansya hindi ka nagtatanim ng kahit anong galit sa puso mo .

Sana maging katulad rin kita balang araw aking mama, na kapag dumating ang panahon na ako'y mag-aasawa na. Sana'y maging matatag din ako, sana'y magawa ko rin ang mga sakripisyo na katulad ng mga ginawa mo. Sana'y magawa ko rin para sa magiging anak at pamilya ko, sana kayanin ko rin ang lahat ng hirap at pagsubok na darating sa akin.

Mahal na Mahal kita ma, hangad ko na ibigay ang mga bagay na makakapag pasaya sayo hanggat kapiling ka namin, kung minsan ay nakakagawa at nakakapag sabi kami sayo ng mga bagay na ikinakasakit ng iyong kalooban ay inihihingi namin ng tawad.
Utang namin sayo ang buhay namin, kaya kami narito ay dahil sa pag-aaruga mo. Kung Alam Mo Lang Kung Gaano ka namin Kamahal!